Monday 15 November 2010

MCH Chapter 2


       Tunog ng cellphone ang gumising sa kanya. Pasado alas-tres na siya nakatulog kakaisip at kakaiyak kagabi kaya nagyon ay sobrang sakit ng ulo niya at ramdam niya ang pamamaga ng kanyang mga mata. Mabuti na lang at wala siyang show ngayon kundi mapapagalitan siya ng manager niya. Tinatamad na inabot ang kanyang cellphone at sinagot ang tumatawag sa kanya.

"Hello." inaantok na sagot niya.

"Goodmorning sleepy head." pasigaw na bati nito na naging dahilan para ilayo niya sa tenga niya ang cellphone niya.

"Kung sino ka mang frank caller ka na walang magawa sa buhay kundi mambulabog ng taong natutulog pwes hwag ako ang istorbohin mo." ganting sigaw niya.

"MM kaw naman di kana mabiro umagang umaga high-blood kana agad." biro nito habang tumatawa.

"Hmp,paano ako di mahi-highblood sa iyo noh ang sarap sarap ng tulog ko istorbohin mo. Saka alam ko na ang mga style mo na yan me hihingin ka na namang favor sa akin noh? Pero sorry kana lang me schedule ako ngayon di ako pwede." pagtataray na wika niya.

"Sorry, I already check your schedule for today and you don't have any appointment to attend to.
So,meaning your free today." pilyong wika nito at sinabayan ng nakakalokong tawa.

"At nag-tsek ka na naman ng schedule ko. Rest day ko ngayon kaya bawal ako istorbohin kahit ikaw pa." wika niya.

"Ems naman me importante akong sasabihin sa'yo. You can rest here at my condo I will cook your favorite dish and i have also your favorite ice cream." panunuhol na wika nito.

"Pick me up at 10:00." wika niya sabay baba ng phone.

"Yes. Ems...ems...masama talaga gising binabaan na ako ng phone." natatawang wika nito.

       Nakatapat ang katawan niya sa shower ramdam niya ang malamig na tubig na umaagos sa balat niya. Pero kasabay ng pag-agos ng malamig na tubig at ang pag-agos ng mainit na tubig na nag-mumula sa kanyang mga mata. Muli niyang ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya. Paano niya ipapakita na hindi siya nasasaktan lalo na at sasabihin na nito sa kanya ang pinakamasamang balita na maririnig niya sa buong buhay niya. Bakit nga ba ang hirap para sa kanya na tanggihan ang bawat hiling nito kahit alam niya na siya naman ang mahihirapan sa bandang huli. Ganyan talaga kapag nagmahal ka kelangan mong masaktan. Dahil kung hindi ka masasaktan hindi ka tunay na nagmamahal. Minsan kahit masakit kelangan mong kayanin alang-alang sa ikasasaya ng taong mahal mo,wika niya na kausap ang sarili. Naalala niya noong mga bata pa sila....

"Panget,panget,negra,negra." sigaw ng mga ito sa batang babae na naglalaro sa park.

"Hoy,tigilan niyo nga ang kaibigan ko. At salbahe niyo naman para tawagin siya ng ganun." wika nito na nakatingin ng masama sa mga batang kaharap.

"Bakit totoo naman ah? Tingnan mo nga ang itsura niya ang itim-itim at ang panget pa." sabay tawanan nila.

"Di talaga kayo titigil ha." at parang kidlat na nakalapit agad ito sa mga batang nang-aasar kay MM at sinapak sa mukha ang isa sa mga ito.

"DD tama na. Hwag kana makipag-away sa kanila." pasigaw na awat nito habang lumuluha.

"Okey ka lang ba? Hwag ka makikinig sa mga iyon hindi totoo ang sinasabi nila." pang-aalo niya sa kaibigan habang hawak ang mukha nito at pinapahid ang mga luha.

"Totoo naman ang sabi nila eh na panget at maitim ako." humihikbing wika niya.

"Shhh..sa akin ka makinig okey. Maganda ka at di ka maitim. Kaya hwag mo na isipin iyon ka. Hwag ka mag-alala lagi ako nandito para bantayan at ipag-laban ka." masayang wika nito.

"Talaga? Baka naman mamaya bigla ka na lang mawala at iwan ako." malungkot na wika nito.

"Hinding-hindi mangyayari iyon. Ako yata ang superhero mo. Kaya anytime na kelangan mo ako tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako agad gaano man kalayo ang kinaroroonan ko." wika nito ng buong pag-mamalaki.

        Katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa pag-alaala sa nakaraan. Tinatawag siya ng yaya niya para mag-almusal na. Habang nag-bibihis napaisip siya. Pero simula ng makatapos kami ng kolehiyo at nagkaroon ng kanya-kanyang career nag-iba na ang lahat. Yes,his still my superhero pero limitado na oras nito hindi na pwede na sa bawat tawag niya at dadating ito. Parang ngayon nga nabaligtad na imbes na siya ako na ang superhero niya ngayon. Dahil sa bawat tawag at kibot nito sa kanya dali dali siyang dumadating para dito basta kelangan siya nito. Di bale nang maka-cancel ang schedule niya basta mapuntahan niya lang ito. Ganun siya ka superhero para sa bestfriend niya. Siguro kung iisipin ng iba hindi pagiging isang superhero kundi isang katangahan. Pero tanga na kung tanga nagmamahal lang naman siya. Hindi niya napigilan batukan ang sarili at napailing na lang sa mga napag-iisip niya.

6 comments:

  1. ouch.. sobra akong natatamaan.. X(
    huhu, kung pwede lang isampal to sa bestfriend ko eh.. ;p

    nex chapter please :)

    ReplyDelete
  2. naaalala ko yung PHR episode ni kristine reyes & jake cuenca pareho kc ng title pero yun kasi mej may pagka comedy & i think this one is mej dramedy... but i like it... interesting ur plot.... next powh puhleaseeeee... ;)

    ReplyDelete
  3. ATE DRIZZLE...

    HELLLLLLLO PO...

    KAILAN POANG NEXT NITO?

    ReplyDelete
  4. sana may next chapter na for 2011... looks promising pa naman yung story...

    HAPPY NEW YEAR!!

    ReplyDelete