Tuesday 4 January 2011

My Cheating Heart Chapter 4

   Naramdaman niya na may humahaplos sa kanyang mukha napa-ungol lang siya. Akala niya ay nananaginip lang siya. May naramdaman siyang lumapat na mainit sa kanyang noo bumaba hanggang sa kanyang mga mata. Di man niya aminin pero masarap sa pakiramdaman ang ginagawa nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti at nakita ito ng humahalik sa kanya naisip niya na napasarap talaga ang tulog nito pero kelangan niya na talaga itong gisingin.

   Isang dampi pa ng halik s kanyang mga pisngi at tumagal ang mainit na bagay na iyon sa kanyang ilong hanggang sa naramdaman na lang niya na masakit ang kanyang ilong dahil kinagat ito dahil dito at nagising ang dalaga at napasigaw ng....

   "ARAYYY!!!" sigaw niya habang hawak ang ilong na namumula. At napansin niya ang kaibigan na tawa ng tawa.

   "Tinatanong mo pa eh alam mo naman kung anong dahilan. Bakit ba kasi ang hilig mong pag-tripan ang ilong ko," nakasimangot na sabi niya.

   "Sorry na. Ang cute kasi ng ilong mo ang tangos. Di ko kasi alam paano kita gigisingin ng mabilisan at iyon ang naisip ko." nakangising wikito.

   "Nakaluto kana ba? Gutom na kasi ako eh." wika niya ng biglang tumunog ng malakas ang tiyan niya tanda na nagwewelga na mga alaga niya sa tiyan. Natawa na lang ng malakas ang magkaibigan sa tunog na nilikha ng tiyan niya.

   Nagpunta na sila sa kusina para kumain. Asikasong-asikaso siya ng lalake pinaglalagay pa siya ng pagkain sa kanyang plato kulang na lang ay subuan siya nito. Magana siyang kumain dahil niluto ng binata ang mga paborito niya. Pagkatapos kumain ay tinulungan na niyang magligpit sa kusina ang binata para madali sila.

   Naka-upo na siya sa sala habang ang lalake ay namimili ng CD na patutugtugin niya. Pagkatapos isalang ang CD ay lumapit na ito sa dalaga at humiga sa mga hita nito.

   "Ems na miss kita. I miss this spending time with you just relaxing and talkingwhat happened in our life."nakangiting wika nito habang nakatitig sa kanya.

   "Hmm,talaga? Namiss ko din ito. Bihira na kasi tayo magbonding together kasi may iba kang ka-bonding,"wika niya na sinabayan ng tawa para matakpan ang pait na nararamdaman niya.

   "I know I got busy this past few months spending time with Annie but I also make sure that i talked to you even not so often just to check your okey," paliwanag niya sa dalaga.

    "I understan. It's enough for me that you give me a call once in a while atleast you still remember me," wika niya at kunwaring pinalungkot ang mukha. Pero ang totoo ang puso niya talaga ang malungkot dahil sa bagay na iyon.

   "Hey,don't be sad. Alam mo naman na kahit anong mangyari hindi pwede na makalimutan kita. Isa ka sa importanteng tao sa buhay ko. I'm sorry kung minsan wala akong time just to be there for you but it doesn't mean that I take you for granted or I don't care anymore. It just happened that I have more important things to do," wika niya sa dalaga habang hawak ang kamay nito.

   "It's okey. You don't have to explain and just like what you said you have more important things to do kaya okey lang," matipid na ngiti niya. Bakit sobrang sakit na marinig na may mas importante pang tao kaysa sa akin. Hindi ba pwedeng ako na lang at wala ng iba. Mas mahirap na ngayon na makipagkumpitensiya sa oras mo lalo na kung ang kahati ko ang babaeng mahal mo,wika niya sa sarili habang nakatitig na matiim sa binata habang haplos haplos niya ang ulo nito.

To Readers...

Happy New Year to all of you I know its kinda late,lol. I just want to thank you for reading my fanfic even the first one that i made maraming salamat talaga super na appreciate ko na nagustuhan niyo. Humihingi ako ng pasensiya kung masyadong natagalan bago nasundan ung sunod na chapter ng new fanfic ko aside sa busy ako this past few months at isa sa pang dahilan before christmas i got an accident and it happened my left arm is broken to thats why its hard for me to type using one hand. Pero ngayon medyo okey na siya di na masyadong masakit pero may balot pa rin so maybe i can start to write again. Sana bisitahin niyo pa rin ang blog ko to read my fanfic. :-)

My Cheating Heart Chapter 3


     Isang malakas na busina ng sasakyan ang umagaw ng atensyon niya. Sumilip siya sa bintana at nakita niya ang bestfriend niya na nakasilip sa sasakyan nito habang nakangiti ng malapad sa kanya.

"Ems let's go!" malakas na sigaw nito.

"Nandyan na di naman ako bingi para sumigaw kapa noh, nakakahiya sa kapitbahay." wika niya dito.

"Bye,Tita. Don't worry I will take care your little baby." wika nito sabay kindat.

"Ikaw,talaga! Siya sige lumakad na kayo. James drive safely ha. Ikaw na bahala dyan sa kaibigan mo." nakangiting wika nito.

      Habang sa loob ng sasakyan ay walang kakibo-kibo ang dalaga. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana. Habang ang binata ay pasulyap-sulyap dito habang nagda-drive ng sasakyan niya. May kinuha siya sa likuran niya at iniabot sa dalaga.

"For my beautiful princess." nakangiting abot niya sa dalaga.

"Ano naman yan? At ano na naman ang drama mo ngayon?" taas kilay na tanong niya dito.

"What?..Honey its your favorite flower and chocolate. Don't tell me you forgot it already. And I'm not making drama here okey. I want to cheer you up kasi mukhang ang pangit ng gising mo tapos sinungitan mo pa ako sa phone. Smile kana dyan para happy na rin ako." nagmamakaawa ang mukha pero may munting ngiti na nakasilay sa kanyang mga labi.

"Hmm,cge na nga. I'm sorry kung nasungitan kita kanina inaantok pa kasi ako eh. Bakit mo nga pala ako sinundo ngayon?" painosenteng tanong niya.

"Well, I have something to tell you and its very important. I'm sure you'll be surprise and happy." ngiti nito sa kaibigan.

      Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Parang sinasakal ang puso niya at nahihirapan siyang huminga. "I'm sure you'll be surprise and happy ". If you only new you won't say that word. It's indeed a greet shocking surprise that i will ever heard in my whole life. How can I be happy knowing your gonna marry another woman instead of me? How can I be happy knowing you'll be with other woman's arms? How can I be happy knowing your heart belongs to someone else and will never be mine? bulong niya sa sarili. Pilit siyang ngumiti para maipakita sa kaibigan na masaya din siya sa ibabalita nito. Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa bahay ng binata. Pinagbuksan siya ng pinto nito at inalalayan hanggang sa makapasok sila sa bahay nito.

"Honey, just stay here and relax or you can even watch movie while I'm preparing food for you okey,"masayang wika nito.

"Wow, happy ka nga talaga ngayon ha feeling prinsesa ako ngayon eh. Samantalang dati ako pa ang pinagluluto mo ng kakainin natin," patukso nitong sabi sa kaibigan.

"Yes, I'm really happy today and aside from that you know that your my princess. Just wait here it won't take long okey," at nagmadaling nagpunta sa kusina para magluto.

      Habang busy ang kaibigan sa kusina siya naman ay naupo sa sala at iginala ang kanyang mga mata sa bahay ng kaibigan. Napangiti siya at ipinikit ang mata habang inaalala noong araw na nabili ito ng kaibigan.

"The number you dial is not yet in service please try again later,beep,beep,beep!"sagot niya sa taong tumatawag habang pigil ang pagtawa..
"Pinipigilan pa ng ale ang pagtawa niya. Sige, ka kapag di mo itinawa yan utot ang kalalabasan nyan."tukso niya sa kausap habang tumatawa.

"Okey lang nandyan ka naman para singhutin ang utot ko ang bango kaya para kang naka amoy ng CHANNEL."sabay tawa ng malakas.

"Nasan ka? Are you on your way home now? I need to talk to you." wika nito.

"Nope, I'm still here at Makati I need to talk to someone about the fashion show in London maybe in half an hour were finish about the details." paliwanag niya sa kausap.

"Okey, see you then I'm going to pick you up. I will bring you somewhere for sure you will be surprise." masayang wika nito.

     Bago pa magkalahating oras ay nandun na ang binata at naghihintay sa dalaga. Pagtingin siya sa entrance ng building ay nakita na niya agad ang pigura ng dalaga. Pinagmasdas niya ito at kita sa kanyang mga mata ang paghanga dito. "Ang ganda talaga ng kaibigan ko nakapustura man o hindi,may make-up o wala lutang na lutang pa rin ang kagandahan. At sino ang lalaki ang tatanggi kapag ganto kaganda ang babae na makikilala mo wika niya sa sarili". Nakita ng dalaga ang sasakyan ng binata at kumaway. Pinaandar niya ang sasakyan at tumigil sa tapat nito sabay bukas ng pinto.

"Get in Miss Beautiful." matamis na wika nito habang nakasilip sa pintong binuksan.

"Yes,master." wika nito sabay saludo sa lalaki.

"Have you eaten already?" wika nito habang nakalingon sa dalaga.

"Oo,nakakain na ako. Bakit di kapa kumakain?"tanong niya.

"Hindi pa. I thought were going to eat together kaso kumain kana pala kaya di na lang din ako kakain." malungkot na wika nito habang nagpapaawa ang mukha.

"Hmm,okey lets eat then. Don't worry madami pang space ang tiyan ko."paglalambing na wika nito habang inihilig ang ulo sa balikat ng binata.

      Isa sa paborito nilang restaurant kumain ang dalawa. Habang kumakain ay kwentuhan sila ng kwentuhan. Di rin sila nagtagal dahil wika ng binata na may pupuntahan pa sila at ito iyong surprise na sinasabi ng binata sa kanya. Papasok na sila sa isang subdivision ng itigil ng binata ang sasakyan at nilagyan ng piring ang kanyang mga mata. Ilang minuto lang umusad ang sasakyan nila at ito ay huminto na rin. Pinagbuksan siya ng pinto ng binata at hinawakan ang kanyang kamay para siya ay alalayan pababa ng sasakyan.

"DD nasan na ba tayo?"tanong niya dito.

"You can now open your eyes and see for yourself." nakangiting wika nito.

      Dahan dahang iminulat ang kanyang mga mata. At pagmulat niya ay tumambad sa kanya ang magandang bahay na nasa harapan niya dalawang palapag ito at may kalakihan na hardin. Di mawala ang pagka sorpresa sa kanyang nakita.

"Ang ganda. Is this yours?" wika niya sabay lingon sa binata.

"Yes,I bought it last week. At gusto ko ikaw ang unang makakita nito. I know this is your dream house right?" nakangiting wika niya sa dalaga.

"Yes,it is.",nahihiyang wika niya sa isip-isip niya."Di naman ako ang ititira mo dito. Kung ako lang sana tiyak mas doble ang kaligayahan ko,wika niya sa sarili."

"But my problem is the house is still empty. So,honey I really need your help to decorate it and buy all the stuff for the house. And do what you want because its our dream house. And I will be happy if you will do that for me,please.,"nagmamakaawang wika nito sa dalaga.

"Okey,I will do it. But are you really sure you want me personally to decorate your house?" paninigurong tanong niya dito.

"Of course I'm 100% sure about it. And honey you know I trust you about it and i know for sure it will look nice. When are you free so we can go together ang buy all the things that we needed?" tanong niya sa dalaga habang di nawawala ang excitement sa mukha.

"I'm free this weekend. I don't have any schedule so your very lucky my master." nakangiting wika niya.

"Hmmm,kaya naman loves na loves kita eh." wika nito habang yakap yakap ang dalaga.

"Hmp,loves mo lang naman ako kapag may hihingin kang favor sa akin."kunwaring panampong wika nito.

"Honey naman you know na kahit wala akong hinihinging favor sa iyo eh loves na loves kita." nakangiting wika nito habang nakatingin sa kanya at sabay halik sa kanyang ilong.

"Oo,na hwag mo na akong bolahin. Uwi na tayo at maaga pa ako bukas." wika nito habang nakatungo at iniiwas ang tingin sa kaharap piling niya ay pulang pula ang mukha niya sa ginawa nitong paghalik sa kanya.