Monday 15 November 2010

MCH Chapter 2


       Tunog ng cellphone ang gumising sa kanya. Pasado alas-tres na siya nakatulog kakaisip at kakaiyak kagabi kaya nagyon ay sobrang sakit ng ulo niya at ramdam niya ang pamamaga ng kanyang mga mata. Mabuti na lang at wala siyang show ngayon kundi mapapagalitan siya ng manager niya. Tinatamad na inabot ang kanyang cellphone at sinagot ang tumatawag sa kanya.

"Hello." inaantok na sagot niya.

"Goodmorning sleepy head." pasigaw na bati nito na naging dahilan para ilayo niya sa tenga niya ang cellphone niya.

"Kung sino ka mang frank caller ka na walang magawa sa buhay kundi mambulabog ng taong natutulog pwes hwag ako ang istorbohin mo." ganting sigaw niya.

"MM kaw naman di kana mabiro umagang umaga high-blood kana agad." biro nito habang tumatawa.

"Hmp,paano ako di mahi-highblood sa iyo noh ang sarap sarap ng tulog ko istorbohin mo. Saka alam ko na ang mga style mo na yan me hihingin ka na namang favor sa akin noh? Pero sorry kana lang me schedule ako ngayon di ako pwede." pagtataray na wika niya.

"Sorry, I already check your schedule for today and you don't have any appointment to attend to.
So,meaning your free today." pilyong wika nito at sinabayan ng nakakalokong tawa.

"At nag-tsek ka na naman ng schedule ko. Rest day ko ngayon kaya bawal ako istorbohin kahit ikaw pa." wika niya.

"Ems naman me importante akong sasabihin sa'yo. You can rest here at my condo I will cook your favorite dish and i have also your favorite ice cream." panunuhol na wika nito.

"Pick me up at 10:00." wika niya sabay baba ng phone.

"Yes. Ems...ems...masama talaga gising binabaan na ako ng phone." natatawang wika nito.

       Nakatapat ang katawan niya sa shower ramdam niya ang malamig na tubig na umaagos sa balat niya. Pero kasabay ng pag-agos ng malamig na tubig at ang pag-agos ng mainit na tubig na nag-mumula sa kanyang mga mata. Muli niyang ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya. Paano niya ipapakita na hindi siya nasasaktan lalo na at sasabihin na nito sa kanya ang pinakamasamang balita na maririnig niya sa buong buhay niya. Bakit nga ba ang hirap para sa kanya na tanggihan ang bawat hiling nito kahit alam niya na siya naman ang mahihirapan sa bandang huli. Ganyan talaga kapag nagmahal ka kelangan mong masaktan. Dahil kung hindi ka masasaktan hindi ka tunay na nagmamahal. Minsan kahit masakit kelangan mong kayanin alang-alang sa ikasasaya ng taong mahal mo,wika niya na kausap ang sarili. Naalala niya noong mga bata pa sila....

"Panget,panget,negra,negra." sigaw ng mga ito sa batang babae na naglalaro sa park.

"Hoy,tigilan niyo nga ang kaibigan ko. At salbahe niyo naman para tawagin siya ng ganun." wika nito na nakatingin ng masama sa mga batang kaharap.

"Bakit totoo naman ah? Tingnan mo nga ang itsura niya ang itim-itim at ang panget pa." sabay tawanan nila.

"Di talaga kayo titigil ha." at parang kidlat na nakalapit agad ito sa mga batang nang-aasar kay MM at sinapak sa mukha ang isa sa mga ito.

"DD tama na. Hwag kana makipag-away sa kanila." pasigaw na awat nito habang lumuluha.

"Okey ka lang ba? Hwag ka makikinig sa mga iyon hindi totoo ang sinasabi nila." pang-aalo niya sa kaibigan habang hawak ang mukha nito at pinapahid ang mga luha.

"Totoo naman ang sabi nila eh na panget at maitim ako." humihikbing wika niya.

"Shhh..sa akin ka makinig okey. Maganda ka at di ka maitim. Kaya hwag mo na isipin iyon ka. Hwag ka mag-alala lagi ako nandito para bantayan at ipag-laban ka." masayang wika nito.

"Talaga? Baka naman mamaya bigla ka na lang mawala at iwan ako." malungkot na wika nito.

"Hinding-hindi mangyayari iyon. Ako yata ang superhero mo. Kaya anytime na kelangan mo ako tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako agad gaano man kalayo ang kinaroroonan ko." wika nito ng buong pag-mamalaki.

        Katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa pag-alaala sa nakaraan. Tinatawag siya ng yaya niya para mag-almusal na. Habang nag-bibihis napaisip siya. Pero simula ng makatapos kami ng kolehiyo at nagkaroon ng kanya-kanyang career nag-iba na ang lahat. Yes,his still my superhero pero limitado na oras nito hindi na pwede na sa bawat tawag niya at dadating ito. Parang ngayon nga nabaligtad na imbes na siya ako na ang superhero niya ngayon. Dahil sa bawat tawag at kibot nito sa kanya dali dali siyang dumadating para dito basta kelangan siya nito. Di bale nang maka-cancel ang schedule niya basta mapuntahan niya lang ito. Ganun siya ka superhero para sa bestfriend niya. Siguro kung iisipin ng iba hindi pagiging isang superhero kundi isang katangahan. Pero tanga na kung tanga nagmamahal lang naman siya. Hindi niya napigilan batukan ang sarili at napailing na lang sa mga napag-iisip niya.

My Cheating Heart

Chapter 1:

       Nakakasilaw sa mata ang mga kislapan ng camera na nasa paligid niya habang siya ay rumarampa. Siya si Franchesca Mae Gatchalian kilala bilang isang sikat na international model. Ipinanganak man na may gintong kutsura sa bibig hindi iyon naging dahilan upang maging matapobre ang dalaga dahil lumaki siya na simple,mabait,masayahin at may mabuting puso sa kapwa. Halos lahat ng tao na nakapaligid sa kanya ay di mapigilan mapangiti habang siya ay naglalakad dahil lutang na lutang ang ganda ng dalaga di man siya kaputian pero dahil na natural na kulay niya ay bukod tangi ang kanyang ganda na binagayan pa ng magagandang ngiti. Nakakabinging palakpakan ang maririnig pagkatapos ng show lalo na ng tinawag ang pangalan niya.

"Hi, Tita musta na po." wika niya sa taong kausap niya sa cellphone niya.

"Where are you iha? I really need to talk to you." nagpapanic na wika nito.

"I just finished my show here at Makati. I'm just packing all my things. May problema ba tita?"tanong niya sa ginang.

" Yes, we have a big problem its about my son. Your bestfriend is insane to marry that girl." inis na wika nito.

"What??? When did he tell you about that? Oh, God I can't believe this. I'm coming Tita just give me an hour and I'll be there." bakas ang pagkagulat at pagpapanic sa kanyang boses at agad agad na sumakay ng sasakyan niya at nilisan ang lugar.

       Habang nagddrive ng sasakyan niya ay kagat kagat niya ang kuko niya sa daliri na madalas niyang gawin kapag siya ay may malaking problema o sobra siyang nate-tense. Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi ko kaya na mapunta siya sa iba not with her. Bakit kasi masyadong bulag ang lalaki na iyon kung saan-saan pa tumitingin nasa tabi niya lang naman ako. Madami naman nag-sasabi na maganda ako pero bakit sa kanya mukhang walang effect ang ganda ko. Kung pwede lang na ako na lang sana,kausap niya sa sarili. Nakarating na siya sa bahay ng kaibigan niya. Katulad ng pamilya nila ay mayaman din ang pamilya nito close friend ang kanilang mga magulang na naipasa naman sa kanila na mga anak nito. Pagpasok niya sa pinto ay sinalubong agad siya ni Tita Kazel bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Hi, Tita totoo ba na DD is getting married? Kelan niya sinabi because the last time na nag-usap kami he didn't told me anything that his planning to settledown. He told me that his happy and having fun with the relationship he have right now."mahabang paliwanag niya.

"He just announced it this night while were having a dinner. Before he left the house this morning he told me to cook special dinner tonight and he didn't bother to tell me why. And now I know and its freaking me out when i heard it." inis na inis na wika nito.

"Nasaan po si DD ngayon?" tanong niya.


"Hinatid niya ang girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng anak ko sa kanya. Look, ni hindi man lang marunong gumalang sa amin ni good evening di man lang kami mabati. Ano ba kami dito sa bahay hangin na di niya nakikita. I really don't like her for my son. And you know who I really like...YOU." nakangiti ng makahulugan sa kanya.

"Tita I know you really like me to be your daughter but your son doesn't feel the same way. I'm just a sister and a bestfriend to him." malungkot na wika niya.

"Iha,hwag mo sabihin na susuko kana agad sa anak ko. Alam ko naman na mahal mo siya eh. Gumawa tayo ng paraan para di matuloy ang kasal nila pikutin natin ang anak ko." pangungunbinsing wika niya dito.

"Opo,mahal ko siya saka paano ako susuko kung sa umpisa pa lang kahit di pa ako lumalaban alam ko na talunan na ako agad. Tita kilala niyo si DD mabait iyon pero masamang magalit at lalong ayaw na ayaw nun na niloloko siya. Di ko kaya ang sinasabi niyo na pikutin siya baka dahil doon masira ang pagkakaibigan namin na siyang huling baraha ko na lang para makasama siya." naluluha na wika niya bakas na labis siyang nasasaktan.

"Please iha,tulungan mo ako. Ayaw ko makasal ang anak ko sa babae na iyon dahil nararamdaman ko na di siya liligaya sa babae na iyon magdudusa lang siya." nakikiki-usap na wika nito.

"I'm sorry but not this time. Kahit na masakit para sa akin na makita siya na ikakasal sa iba kelangan kong tanggapin. Basta makita ko lang siyang masaya pipilitin ko na rin maging masaya alang alang sa kanya. And maybe this is the right time for me to move on and forget the feelings I have for him." wika niya na basag ang boses at pilit kinokontrol ang luhang gustong pumatak.

"I need to go Tita pagod na rin kasi ako. I will visit you na lang kapag free ako."aniya sabay halik sa pisngi ng ginang.

       Sa sasakyan niya ibinuhos ang lahat ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Kasabay ng tugtog sa radyo ang impit at paghagulgol niya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nadarama niya. Sa mundong kanyang kinagagalawan halos pila ang mga nag-gagwapuhang lalaki upang makamit ang matamis niyang "Oo" pero ni isa sa mga ito ay wala siyang pinayagan na makapasok sa puso niya. Dahil nag-iisa lang ang nag-mamay-ari nito walang iba kundi si Justine James Fortillejo o DD na siyang tawag niya dito at MM naman para sa kanya.

Wednesday 10 November 2010

My Cheating Heart

I'm in-love with you from the very start...
I'm in-love with someone else...
Are you blind not to see me?..
I see nothing but only her...

Now you are mine...
But not my heart and soul...
It feels like heaven being with you...
And I make your life like hell...

I gave up everything...
It's not enough...
I'm tired so I'm letting you go...
It's too late...